Welcome, Guest. Please login or register.


Login with username, password and session length

Labo Camarines Norte  |  General Category  |  Ano nang Balita?  |  Bible Stories
Google Search
Custom Search
Ang Nakaraan
[September 06, 2010, 03:38:27 AM]

[September 05, 2010, 06:28:14 PM]

[September 01, 2010, 05:13:49 PM]

[August 30, 2010, 06:30:58 PM]

[August 29, 2010, 04:00:31 AM]

[August 27, 2010, 08:09:33 PM]

[August 27, 2010, 07:47:48 PM]

[August 26, 2010, 09:12:47 AM]

[August 25, 2010, 05:14:15 PM]

[August 20, 2010, 07:34:14 PM]
Welcome, Guest. Please login or register.
September 09, 2010, 03:44:15 PM

Login with username, password and session length
7 Guests, 0 Users
Weather
Pages: 1 [2] 3   Go Down
  Print  
Author Topic: Bible Stories  (Read 464 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
Maxxx "Edd" Albaradu
All men...are by nature good.-Kung Fu Tze
Nang-Kikikil Na sa Kanto
*****
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 1693


"Whatsoever a man sows, so shall he reap."-Solomon


View Profile
« Reply #15 on: March 14, 2010, 07:46:49 PM »

salita ko yan at sa akin yan galing ..he..he..he..awtor cambo.

So...paano mo naalaman na:

On this day, God wants you to know...
... that there are no accidents. What you think of as accidents are simply your conversations with God that you haven't yet been able to understand. But take heart, all happens in God's will and every conversation has deep meaning for you.<<<  Huh

samantalang dun sa isang thread ay sinabi mo kung saan galing ang nasa itaas?   Grin

tapos ngay-on nama'y sinabi mo na salita mo yuun?

Nyahahah!!!   Grin

mark logan, writer din ako dati...ng tiktik.  joke laang... Grin
Logged

If you can't lead them...leave them.
cambo - batang crossing
Nang-Kikikil Na sa Kanto
*****
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 738



View Profile
« Reply #16 on: March 15, 2010, 01:33:55 AM »

ay ano yung tiktik di ko ta alam yun ay...anak ba yun ng itik?
Logged
Maxxx "Edd" Albaradu
All men...are by nature good.-Kung Fu Tze
Nang-Kikikil Na sa Kanto
*****
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 1693


"Whatsoever a man sows, so shall he reap."-Solomon


View Profile
« Reply #17 on: March 15, 2010, 09:26:25 PM »

ay ano yung tiktik di ko ta alam yun ay...anak ba yun ng itik?

ang tiktik ay dyaryo noon na bold....   Grin
Logged

If you can't lead them...leave them.
Joaquin "WAKZ" Fajardo
Nang-Kikikil Na sa Kanto
*****
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 1560



View Profile
« Reply #18 on: March 16, 2010, 07:42:50 PM »

ay ano yung tiktik di ko ta alam yun ay...anak ba yun ng itik?

ang tiktik ay dyaryo noon na bold....   Grin

Mga pastidyo kayu ay... bible istori ngani tapos may tiktik na anak ng itik umarayus kayu ha :-)
Logged

www.cardzwap.com

please join be one of us
Joaquin "WAKZ" Fajardo
Nang-Kikikil Na sa Kanto
*****
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 1560



View Profile
« Reply #19 on: March 16, 2010, 07:45:47 PM »

Sinubok ni Satanas si Job (mula sa aklat ni Job Kapitulo 1)
               
1 May isang lalaking nakatira sa lupain ng Uz na nagngangalang Job. Siya'y isang mabuting tao, sumasamba sa Diyos at umiiwas sa masamang gawain. 2 Mayroon siyang pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae. 3 Marami siyang tagapaglingkod at siya ang pinakamayaman sa buong silangan. Pitong libo ang kanyang tupa, tatlong libo ang kamelyo, sanlibo ang baka at limandaan ang asno. 4 Nakaugalian na ng kanyang mga anak na lalaki na hali-haliling magdaos ng handaan sa kani-kanilang bahay at inaanyayahan nila ang mga kapatid nilang babae. 5 Tuwing matatapos ang ganoong handaan, ipinapatawag ni Job ang kanyang mga anak para sa isang rituwal. Maagang bumabangon si Job kinabukasan upang mag-alay sa Diyos ng handog na sinusunog para sa kanyang mga anak dahil baka lihim na nilalapastangan ng mga ito ang Diyos at sila'y magkasala.

               6 Dumating ang araw na ang mga anak ng Diyos a ay humarap kay Yahweh at naroon din si Satanas. b 7 Tinanong ni Yahweh si Satanas, "Ano ba'ng pinagkakaabalahan mo ngayon?"

               "Nagpapabalik-balik ako sa lahat ng sulok ng daigdig," sagot ni Satanas.

               8 "Napansin mo ba ang lingkod kong si Job?" tanong ni Yahweh. "Wala siyang katulad sa daigdig. Mabuti siyang tao, sumasamba sa akin, at umiiwas sa masamang gawain," dugtong pa ni Yahweh.

               9 Sumagot si Satanas, "Sasambahin pa kaya kayo ni Job kung wala na siyang nakukuha mula sa inyo? 10 Inaalagaan ninyo siya, ang kanyang pamilya at ang lahat ng ari-arian niya. Pinagpapala ninyo ang lahat ng kanyang gawin, at halos punuin ninyo ng kanyang kayamanan ang buong lupain. 11 Subukan ninyong alisin ang lahat-lahat sa buhay niya at harap-harapan niya kayong susumpain."

               12 Sinabi ni Yahweh kay Satanas, "Kung gayon, gawin mo nang lahat ang gusto mong gawin sa kanya, huwag mo lamang siyang sasaktan." At umalis si Satanas sa harapan ni Yahweh.

Nalipol ang mga Anak ni Job at Naubos ang Kanyang Kayamanan
               13 Isang araw, nagkakainan at nag-iinuman ang mga anak ni Job sa bahay ng kanilang panganay na kapatid na lalaki. 14 Walang anu-ano'y dumating kay Job ang isa niyang tauhan. Sinabi nito, "Kasalukuyan po naming pinang-aararo ang mga baka at nanginginain naman ang mga asno, 15 nang may dumating na mga Sabeo. c Kinuha po nila ang mga baka at mga asno at pinatay pa po ang aking mga kasama. Ako lang po ang nakatakas upang magbalita sa inyo."

 
               16 Hindi pa ito nakakatapos sa pagbabalita nang may dumating na namang isa. Sinabi naman nito kay Job, "Tinamaan po ng kidlat ang mga tupa at mga pastol at namatay lahat; ako lang po ang nakaligtas upang magbalita sa inyo."

               17 Hindi pa ito halos tapos magsalita nang may isa na namang dumating. Ang sabi nito, "Sinalakay po kami ng tatlong pangkat ng mga Caldeo. d Kinuha nila ang lahat ng kamelyo at pinatay ang aking mga kasama. Ako lang po ang nakatakas upang magbalita sa inyo."

               18 Hindi pa rin ito halos tapos magsalita nang may dumating na namang isa at nagsabi, "Habang ang mga anak po ninyo ay nagkakainan at nag-iinuman sa bahay ng panganay nilang kapatid, 19 hinampas po ng napakalakas na hangin ang bahay at bumagsak. Nabagsakan po sila at namatay lahat. Ako lang po ang natirang buhay upang magbalita sa inyo."

               20 Tumayo si Job, pinunit ang kanyang damit at nag-ahit ng ulo. Pagkatapos, nagpatirapa siya at sumamba sa Diyos. 21 Ang sabi niya, "Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, hubad din akong babalik sa lupa. Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi. Purihin si Yahweh!"

               22 Sa kabila ng mga pangyayaring ito, hindi niya sinisi ang Diyos, kaya't hindi siya nagkasala laban sa kanya.
Logged

www.cardzwap.com

please join be one of us
Joaquin "WAKZ" Fajardo
Nang-Kikikil Na sa Kanto
*****
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 1560



View Profile
« Reply #20 on: March 16, 2010, 07:47:51 PM »

Sinubok Muli ni Satanas si Job (ikalawang kabanata or Chapter 2)

               1 Muling humarap kay Yahweh ang mga anak ng Diyos, a at naroon din si Satanas. b 2 Tinanong ni Yahweh si Satanas, ang Tagapagparatang. "Saan ka nanggaling?"

               Sumagot si Satanas, "Nagpapabalik- balik at naglilibot ako sa buong daigdig."

               3 "Napansin mo ba ang lingkod kong si Job?" tanong ni Yahweh. "Wala siyang katulad sa daigdig. Mabuti siyang tao, sumasamba sa akin, at umiiwas sa masamang gawain. Hinimok mo akong pinsalain siya kahit walang sapat na dahilan, subalit nananatili pa rin siyang tapat sa akin," sabi pa ni Yahweh.

               4 Sumagot si Satanas, "Kahit anong bagay ay ibibigay ng tao, huwag lamang siyang mamatay. 5 Subukin ninyong saktan ang kanyang katawan at sigurado kong susumpain niya kayo nang harap-harapan!"

               6 Sinabi ni Yahweh, "Kung gayon, gawin mo ang gusto mong gawin sa kanya, huwag mo lamang siyang papatayin."

 
               7 Kaya umalis si Satanas sa harapan ni Yahweh at tinadtad ng nagnanaknak na sugat ang buo nitong katawan mula ulo hanggang talampakan. 8 Naupo si Job sa tabi ng basurahan at kinamot niya ng isang pirasong basag na palayok ang kanyang mga sugat. 9 Sinabi ng kanyang asawa, "Mananatili ka pa bang matuwid? Sumpain mo ang Diyos at nang mamatay ka na!"

               10 Ang sagot ni Job, "Hindi mo naiintindihan ang iyong sinasabi. Pagpapala lang ba ang tatanggapin mo sa Diyos? Hindi ba natin tatanggapin kung bigyan niya tayo ng pagdurusa?" Sa kabila ng kanyang paghihirap, hindi nagsalita si Job ng laban sa Diyos.

Dinalaw si Job ng Kanyang mga Kaibigan
               11 Ang masamang nangyari kay Job ay nabalitaan ng tatlo niyang kaibigang si Elifaz na Temaneo, si Bildad na Suhita, at si Zofar na Naamita. Nagkasundo silang tatlo na dalawin si Job upang palakasin ang loob niya at makiramay sa kanya. 12 Malayo pa sila'y nakita na nila si Job ngunit hindi nila ito nakilala. Nang makilala nila ito, hindi nila napigilang umiyak nang malakas. Pinunit nila ang kanilang mga damit at naglagay ng abo sa ulo dahil sa pagdadalamhati. 13 Pitong araw at pitong gabi silang naupo sa lupa kasama ni Job. Ngunit hindi nila ito pinagsabihan ng kahit ano sapagkat nakikita nilang hirap na hirap ito sa kanyang kalagayan.

« Last Edit: March 16, 2010, 07:49:56 PM by Ronaldo Ramos » Logged

www.cardzwap.com

please join be one of us
Joaquin "WAKZ" Fajardo
Nang-Kikikil Na sa Kanto
*****
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 1560



View Profile
« Reply #21 on: March 16, 2010, 07:51:47 PM »

Job 3: 1-26

Dumaing si Job sa Diyos


1 Pagkaraan ng matagal na pananahimik,
nagsalita si Job at isinumpa ang araw nang siya'y isilang.

2 Ito ang kanyang sinabi:

3 "Hindi na sana ako ipinanganak pa at hindi na rin sana ako ipinaglihi.

4 Nabalot na sana ng dilim
at huwag mo na sanang maalala pa ang araw na iyon, O Diyos.
Huwag mo na sanang pasikatan pa ito ng liwanag.

5 Nanatili na lamang sana ito sa takip ng kadiliman,
at nabalot ng ulap, upang huwag nang sikatan ng araw.

6 Nalagas sana ito sa tangkay ng panahon,
at hindi na napabilang sa aklat ng kasaysayan.

7 Ang gabing iyon sana'y malumbay; wala na sanang sigaw ng kagalakan,

8 at sumpain ng mga salamangkerong nagpapaamo ng dambuhalang Leviatan.a

9 Huwag na sanang sumikat ang bituin sa umaga,
at huwag na sanang sundan ng umaga ang gabi.

10 Sumpain ang gabi ng aking pagsilang
na nagdulot sa akin ng ganitong kahirapan.

11 "Bakit hindi pa ako namatay sa tiyan ng aking ina,
o kaya'y noong ako'y isilang niya?

12 Bakit kaya ako ay idinuyan pa, kinalong, inalagaan,
at binigyan ng gatas sa dibdib niya?

13 Kung namatay ako noon, ako sana'y tahimik na,
mahimbing na natutulog at nagpapahinga.

14 Katulad ng mga hari at pinunong yumao,
na noong panahon nila'y nagtayo ng mga palasyo.

15 Tahimik na sana ako tulad ng mga pinunong nakapag-imbak
sa kanilang bahay ng mga ginto at pilak,

16 o tulad ng mga sanggol na patay nang ipanganak
at hindi na nakakita pa ng liwanag.

17 Sa libingan'y hindi na makakapanggulo ang mga masasama,
at doon ang mga napapagod ay makakapagpahinga.

18 Doon, pati mga bihag ay wala nang ligalig,
wala nang mga sigaw at utos na mabagsik.

19 Ang mga aba at mga dakila ay sama-sama roon,
ang mga alipin ay malaya na sa kanilang panginoon.

20 "Bakit pa isinilang kung magdurusa rin lamang?
At bakit pa binuhay kung daranas din lang ng kahirapan?

21 Kamataya'y hinahanap ngunit hindi matagpuan,
hinuhukay at ninanais higit pa sa kayamanan.

22 Sa kanila'y ubod-tamis nitong kamatayan.

23 Ano kaya ang dahilan at ang tao'y isinilang,
kung inilihim naman ng Diyos ang kanyang patutunguhan?

24 Karaingan ang aking pagkain, pagtitiis ang aking inumin.

25 Ang kinatatakutan ko ang siyang nangyari sa akin,
at ang pinaka- aayawan ko ang dumating sa akin.

26 Hindi ako mapalagay, wala akong kapayapaan,
kaguluhan sa buhay ko ay walang katapusan."

Logged

www.cardzwap.com

please join be one of us
Maxxx "Edd" Albaradu
All men...are by nature good.-Kung Fu Tze
Nang-Kikikil Na sa Kanto
*****
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 1693


"Whatsoever a man sows, so shall he reap."-Solomon


View Profile
« Reply #22 on: March 16, 2010, 11:03:38 PM »

ay ano yung tiktik di ko ta alam yun ay...anak ba yun ng itik?

ang tiktik ay dyaryo noon na bold....   Grin

Mga pastidyo kayu ay... bible istori ngani tapos may tiktik na anak ng itik umarayus kayu ha :-)

ay sori wakin, ha'mo sa utru ay di na kita bibigyan ng balaw na nasa garapon ng tsis wis at nababalot ng dalwang silupin bag.   Grin
Logged

If you can't lead them...leave them.
Joaquin "WAKZ" Fajardo
Nang-Kikikil Na sa Kanto
*****
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 1560



View Profile
« Reply #23 on: March 17, 2010, 01:45:19 AM »

Hamal yan edd wag naman
Logged

www.cardzwap.com

please join be one of us
Maxxx "Edd" Albaradu
All men...are by nature good.-Kung Fu Tze
Nang-Kikikil Na sa Kanto
*****
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 1693


"Whatsoever a man sows, so shall he reap."-Solomon


View Profile
« Reply #24 on: March 17, 2010, 02:00:19 AM »

Hamal yan edd wag naman

nyahahahah!!!  dyok laang... make me laff and i'll make you smell like hil (balaw) baga...
Logged

If you can't lead them...leave them.
Joaquin "WAKZ" Fajardo
Nang-Kikikil Na sa Kanto
*****
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 1560



View Profile
« Reply #25 on: April 10, 2010, 01:07:21 AM »

Hamal yan edd wag naman

nyahahahah!!!  dyok laang... make me laff and i'll make you smell like hil (balaw) baga...

Uwian mo ulit ako ng balaw Ed
Logged

www.cardzwap.com

please join be one of us
Maxxx "Edd" Albaradu
All men...are by nature good.-Kung Fu Tze
Nang-Kikikil Na sa Kanto
*****
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 1693


"Whatsoever a man sows, so shall he reap."-Solomon


View Profile
« Reply #26 on: July 05, 2010, 01:10:16 AM »

nagbili ka na baga ng isambuu... isinunu mo pa sa airconditioned bus, nyahahahah Grin
Logged

If you can't lead them...leave them.
Joaquin "WAKZ" Fajardo
Nang-Kikikil Na sa Kanto
*****
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 1560



View Profile
« Reply #27 on: July 17, 2010, 02:30:22 AM »

nagbili ka na baga ng isambuu... isinunu mo pa sa airconditioned bus, nyahahahah Grin

nangaramoy baga sa Bus... nang maamoy ko ay sagsigaw na laang ako ng "nayan na baga nagligwak na ang sigmak sa casilyas!!!!"
Logged

www.cardzwap.com

please join be one of us
Maxxx "Edd" Albaradu
All men...are by nature good.-Kung Fu Tze
Nang-Kikikil Na sa Kanto
*****
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 1693


"Whatsoever a man sows, so shall he reap."-Solomon


View Profile
« Reply #28 on: July 19, 2010, 12:08:55 AM »

may kilala akong Job sa Labo...

isang masipag na tao...

masipag mag-ani sa hindi niya tanim.

in short,

paraikit. Grin
Logged

If you can't lead them...leave them.
Joaquin "WAKZ" Fajardo
Nang-Kikikil Na sa Kanto
*****
Offline Offline

Gender: Male
Posts: 1560



View Profile
« Reply #29 on: July 28, 2010, 06:23:26 AM »

may kilala akong Job sa Labo...

isang masipag na tao...

masipag mag-ani sa hindi niya tanim.

in short,

paraikit. Grin

maging si apostol pablo baga ay numero unong gumagawa ng labag sa panuntunan ng Dios ngunit ayun baga naging apostol pa....
Logged

www.cardzwap.com

please join be one of us
Pages: 1 [2] 3   Go Up
  Print  
 
Jump to:  

Powered by SMF 1.1.2 | SMF © 2006-2007, Simple Machines LLC
TinyPortal v0.9.8 © Bloc | Cityscape design by Bloc




Website Hosted and Maintained by Phoenix Technology Services, Inc.