mahigit kulang kulang alas nuebe na nang gab-i gumulong ang superbagal paalis ng cubao terminal nila patungong daet pero madaan muna ng Labo at ibababa ako balhu dumiretso ng tabas...
bulok na ang bus na yuun ng superlines ay, superbagal palan. puro kalawang na at iba pa ang amoy sa loob...parang amoy ng kili-kili ko 'pag natuyuan ng pawis...(amoy hinog na langka).
sarado na ang mga suki kong tindahan na binibilhan ko ng masarap na yapanit at sopdrinks sa turbina (calamba) pag butwa namin doon. yuung paalis ng 9:30 piyem mula cubao na bus ay inabutan pa kami dun. sa turbina baga.
dalaga naman ang nakasigbay ko sa upuan pero ang maganda laang sa kanya ay makwento siya at palaging pinupuri ang looks ko. Mukha pa raw akong bata kahit mukha na akong matanda. ang lintyian at tinanong pa kung magkano ang ganar ko sa isang aldaw. nang sabihin ko naman ay nalungkot sya ata ang sa kanya daw ay wala pa sa wamport ng ganar ko.
asked nya rin ako kung ilan na ang anak ko. Sagot ko'y di naman nanganganak ang lalaki. pati yuung nasa likod naming pasahero ay napahagalpak ng tawa

sinasadya niyang magtulog tulugan para makahilig sa matigas kong balikay (but-o ta ay)...amoy ko luguran ang shampoo niya...amoy panis na nyog.
nang bumili ako ng istap toy sa cubao palan ay bumili rin sya, binarat barat namin yuung bulakenyung may laku noong laruan kaya ang bayad namin sa dalwang laruan ay wan handred naynti pisos laang sa halip na tres syentos sitenta.
sa lopez ang baba noong baynti tres anyos na dalagang nakasigbay ko pero tulugin ito kaya kahit nasa lopez na yuung bus ay di ko ginising (at nakalimutan ding gisingin noong pugitong doktorkun). Sinisi ako nito sa pagkakalampas nya ng bababaan, sabi ko nama'y napaidlip ako... sa tabugon na ito nakababa, sa pnp hpg tsekpowent at tinawanan pa nung bundat pero payagut na litik na pulis patrol member...
siks tarti na ng 'maga ako nagbutwa ng Labo... nauna una akong bumaba ng bus at 1 km pa laang bago sentro ay binitbit ko na agad ang mga abubot ko. As yuswal ay pinagkaguluhan na naman ako...
Ng mga traysikul drayber na naghahatid ng pasahero sa suluk-sulok ng Labo matapos nilang mag-anas habang nag-aantay ng superbagal buses. Isang pungguk na drayber ang nasakyan ko pauwi ng Mabilo Dos at wala yuung isa kong suking drayber na siga ang dating at pananalita.
Nagdaan kami sa beykeri ni Clacio at nagbili ako ng sitenta pesos na pandisal na a-dos ang isa. Napansin kong nagliit ang pandisal, marahil ay gawa ng ilang beses na pagtataas ng presyo ng asukar (seksti tu pisus na yata isang kilo ng puti sa CFV Supermart).
Napalalamig ng simoy ng hangin ng dumaan kami sa ibabaw ng tulay ng Labo...kitang kita ang fogs sa daanan na ilang piye ang angat sa lupa (ay sa tinampo palan). Sa di kalayuan o sa abot ng aking pantingin ay mas makapal ang fogs...at sa ibabaw ng Busig-on ay mist ang nakalutang...
Nahirit pa ng dyis pesos ang drayber matapos kong abutan ng baynti pesos na pasahi...di ko sya binigyan at baynti laang naman talaga ang singil sa akin ng karamihan ng draybers na nasasakyan ko (ay sa traysikel palan ako nasakay). Wala syang nagawa nang tumalikod na ako diretso sa tapat na pintuan ng harung ko kundi humarurot ng mabilis sa kabiguan niyang makasingil sa akin ng kikil-singil...(malas nya at mahirap laang ako).
Gising na ang otistik kong dalagita na Jenjen pagpasok ko ng pintuan ng aking bahay. Nagsalita laang ito ng "Papa"... matapos akong makitang pumasok at muling ibinaling ang tingin sa lumang magasin na binabasa niya. Turusmag pa ang apat pang anak ng gf ko...na hating-gab-i na natuturulog gawa ng kalalaro nila at pagtulog ng hapon.
Nag-ulan sa Labo nung byernes kaya basa pa ang paligid at malamig ang simoy ng hangin…dahil puyat ako sa byahe ay agad akong nakatulog pagkatapos kong mag-armusal ng kanin pritong tuyo at ginat-ang gulay na pagulong.
Ilang beses akong ginising ng gf ko para magtanghalian pero namulat laang daw ako sabay pikit at hilik uli…mag aalas tres na nang makaramdam ako ng lakas para bumangon at magtanghalian…naghanda na rin ako para sumabay sag f ko na pumunta ng kapilya sa Dalas para sa aming end of week worship service.
Binati ako ni Ka Biboy Oco, Diakonong anak ni Mayor Oco pag-awas ko ng traysikul, binate ko rin sya, kinamayan nya ako at kinamayan ko rin sya. Natakot sa kanya ang bunsong babae kong si 3sha jane dahil cguro sa tangkad ni Ka Biboy

…naitanong niya kung ilan na raw ang aki ko, sabi ko nama’y lilima pa laang… “Kakaunti pa pala po”, sagot niya…
Pumasok na ako sa kapilya para manubig muna bago umupo at manalangin/magbulay-bulay…Paglabasan naman ay kinausap ako ni Ka Jimmy Nieva at sinabihang may pulong sila gf ko kinabukasan (linggo) para sa mga tatanggap ng tungkulin (chirch officership).
Nagdaan kami sandal sa sentro para bumili ng vitamins ko at ng inuungot na miste donut ng dalawa kong cute girls. Nasa traysikul pa laang ay nginangasab na ito ng dalwang batang mahilig sa matam-is na pagkakan…
Kalat na sa sentro ang mga campaign posters ng mga gusting mapaupo after 2010 elections: Noynoy at Egay Tallado sa crossing, joseph ascutia sa sentro at iba pang kampi ng Labo at kung sinu-sino pa kaparis nila Pamela Pardo
Yeeeeyyyy!!!, sigaw ng pogito kong bunso na si derrick jess (2 yrs yang) nang buksan ko ang pinto ng aming harung, abot taynga ang ngiti nito na payakap na kumarga sa akin sabay sabing: apuu…teteeee…!, na di namin alam kung ano’ng kahulugan.
“Hey, papa!” sabi naman ng otistik kung anak na si Jenjen sabay yakap sa akin at haplos sa pisngi ko…pagkatapos naming mag-gab-ihan ay naghanda na ako ng mga gamit ko para sa pag-alis ko ng madaling araw pabalik ng port bonipasyo. Hagul yaan, detailed na naman ako as Platun Sardyent ng Sector Alpha Alert Platun…
Turulog pa ang mga aki ko ng lumantuag ako pa-sentro para ambusin ang pang alas singkong byahe ng superbagal na galing Daet.. Alas singko y kinse ay may dumaang superbagal bus na eyrkondisyond byaheng Daet galling Kubaw. Ang isang pasaherong mukhang koryano na nagbaba ay parang sigang nagbagsak ng isang carlton golf bag sa ibabaw ng upuan ng waiting station ng superlines sa Labo…
Nagbukas ito ng kanyang laptop, ibinaba ito, nag text sa kanyang selpown, biglang tumayo at accented na nagsabi sa isang inspector na nag aabang ng bus pamaynila ng: Itong bag, naibaba nung kunduktor, di sa akin ito baka dun sa isang pasaherong bumaba, iteks mo dun sa Daet baka hanapin nu’ng me-ari…”
Intsik palan ang dapungay, marunong laang managalog. Huling balita ko ay naisauli young mamahaling carlton golf bag na bagumbago pa. “Kung di anya poreyner ang nakadampot nung bag na yuun, di na yuun ibabalik”, sabi ng isang pasaherong kasakay ko pamaynila nang mabalitaan ang tungkol sa sanabagan bag…
Binabagtas naming ang unahan ng Kanapawan ng mapansin ko ang isang magandang karatula sa tapat ng isang dampa: “PANDAY MO! ETAK” (sic)…napahagikhik ako na ikinalingon ng isang waring muslim na babaing kasakay ko na may kalung-kalong na batang simula Labo ay tuspok. Tinitigan ako nito sa mata, tinitigan ko rin sya, nagtitigan kami…ngumiti ito, di ako ngumiti hanggang ibaba niya ang tingin sa…sa sahig at din a ako uli tiningnan kahit kalian.
Kulangkulang dalwang oras ay nasa sta Elena na kami, nag-awas ako para magpa load ng selpown ko at para bumili ng koshing pawsho, hagul ta yaan, gutom na agad ako at isang tasang sinangag laang at isang pritong itlog ang inuplasan ko sa bahay bago ako umalis…
Ilang oras pa ay nasa atimonan na kami. As yuswal baba na naman ako para bumalik uli sa sheyp ang pig-I ko na napa-plat sa tigas ng upuan ng superbagal bus…kamamahal ng mga ulam sa superlines resto sa atimonan kaya dalwang manampung longganisa na laang ang binili ko para maiulam ko sa tanghalian aboard da great bus…
“May nakaupo baga rito?”, tanong ng isang maliit na lalaking nakapamay-awang at kunut-noong nakaturo sa upuang kinalalagyan ng backpack ko. “Meron”, sabi ko. “Sino?” tanong nito uli. “Ako!” sagot ko rin uli. Umupo ito kasigbay ko sabay butbut sa bag at inilabas ang kanyang itlog na baon, binalatan ito at saka kinain. Di ako nagpatalo at malamang ay mag-uutot ito ilang oras pagkakain ng itlog, inilabas ko rin ang itlog ko, na ipinabaon (initlog ng inahing konam na ipinatigbak ko sa tugang ko at ayaw maglimlim) sa akin ng gf ko.
Mas masarap ang itlog ko dahil neytib yuun. Awan ko lang kung mas mabaho ang magiging amoy ng utut nuung may pagkasigang pungguk na lalaking kasigbay ko kaysa magiging utut ko gawa ng isang itlog na inuplasan ko… Lumapit sa akin ang doktorkun at nagtanong: “Sir, may piso ka po?” “Meron”, sagot ko sabay dukot sa bulsa ng kaputog ko at abot sa kanya ng pisong kulay tubud na bakal. Ibinigay na nito sa akin ang sukli sa binayad kong payb handred para sa pamasahe ko…
Agad ko naman yuung inilagay sa wallet ko na ikinabutlog ng mata ng lalaking kasigbay ko sa upuan…nabasa palan nito ang ID card ko. Mula ng sandaling yuun, tumigil na ito sa kabubulong-bulong, para pating istatwa sa tagal ng patlang ng bawat pagkilos nito na wari’y takut na takot at iniiwasang mapadikit sya sa akin…Pigil na pigil ko ang pagtawa ko…

Madalas itong biglang tumatayo kapag may bumababa para siguro lumipat ng upuan pero lagi nga laang syang nauunahan ng ibang pasahero sa may harapan ng bus…
ilang minuto siguro akong napaidlip nang ang tinampo ay di na pasiku-siko...nagising ako ay nasa turbina, calamba na kami.
ilang saglit pa ay nasa alabang na kami, hindi na nagparada ang bus sa paradahan nito pag gab-i ang byahe, sa gilid na laang ito ng tinampo nagpaawas ng pasaheros...
Malapit na sa may overpass ng mantrade sa magallanes, makati nang sumigaw yuung duktorkun ng mantrade! may mababa ng mantrade?! Meron!, sigaw ko rin sabay hablot sa backpack ko at patakbo akong nagpunta sa unahan ng bus sa bumaba sa tapat ng male urinal na mapar-at ang amoy sa magallanes.
Nagpara ako ng isang buluk-bulokin na bus para naman sa byahe ko pa-guadalupe...at mula doo'y isang sunu na laang papuntang baraks namin sa jusmag sa tapat ng port bonipasyo.